^

Bansa

Bitay sa Pinay kinatigan ng Kuwait court

-

Kinatigan ng Kuwaiti high court ang hatol na bitay sa Pinay na si May Vecina, 28, na inakusahang pumatay sa 6-taong gulang niyang alaga at sumaksak sa dalawa pa nitong nakatatandang kapatid, edad 13 at 17, noong Enero 2007.  

Ayon sa report, pinagtibay ng Court of Cassation na katumbas ng Supreme Court sa Kuwait, ang hatol na kamatayan ng lower court.

Ayon kay DFA Foreign Affairs Undersecretary for Special Concerns Rafael Seguis, kukumbinsihin nila ang dating employer ni Vecina na tanggapin ang blood money kapalit ng kanilang pagpapatawad sa pagkamatay ng kanilang anak na si Salem Sulaiman Al-Otaib.  

Sa isang mensahe, nangako naman si Pangulong Arroyo na gagawin ng pamahalaan ang lahat para maisalba ang buhay ni Vecina.

Tanging ang Emir o hari ng bansa ang may kapang­yarihang ipawalang-saysay ang death sentence.

Tinawagan na ang pamilya ni Vecina sa North Cota­bato at ipinagbigay-alam na ng DFA ang malungkot na balita. Tanging dasal naman ang hinihingi ng pamilya Vecina.

AYON

COURT OF CASSATION

FOREIGN AFFAIRS UNDERSECRETARY

MAY VECINA

NORTH COTA

PANGULONG ARROYO

SALEM SULAIMAN AL-OTAIB

SPECIAL CONCERNS RAFAEL SEGUIS

VECINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with