^

Bansa

Price control sa bigas giit

-

Iginiit kahapon ng Kilu­sang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na mag­patupad ng “price control” ang pamahalaan sa presyo ng bigas sa bansa.

Ayon kay KMP Chairman Rafael Mariano, ito ay upang maiwasan ang pagsasamantala ng ilang negosyante sa presyo ng bigas.

Sinabi ni Mariano na dapat gawing P25 ang price ceiling ng bigas sa merkado ng sa gayon ay mapigil ang anumang balak na imanipula ang presyo ng bigas.

Gayundin, hiniling ng KMP na maitaas sa P15 kada kilo ang presyo ng palay mula sa dating P12 kada kilo para kumita na­man ang mga magsasaka.

Samantala, nana­wa­gan naman sa Kon­greso ang KMP na isa­ilalim sa imbestigasyon si Agriculture Secretary Arthur Yap dahil sa uma­no’y posib­leng pagkaka­sang­kot nito sa anomalya sa bigas.

Ito ay dahil sa pagka­ bigo ni Yap na umaksiyon sa napaulat na pagpapalit ng NFA rice sa Isabela, Cebu at Cagayan de Oro.

Bago naging DA Secretary, naging NFA administrator muna si Yap. (Doris Franche)

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

AYON

CEBU

CHAIRMAN RAFAEL MARIANO

DORIS FRANCHE

GAYUNDIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with