^

Bansa

127 PNPA grads isasabak vs NPA

-

Isasabak ng Philippine National Police (PNP) ang may 127 bagong graduates sa PNP Academy (PNPA) sa mga kanayu­nan para gawing ‘battle test’ sa mga ito ang paki­kipaglaban sa mga rebel­deng New People’s Army (NPA) sa bansa.

Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr., ang 127 graduates ay ipapadala sa iba-ibang Regional Mobile Group (RMG) na sumasabak sa counter-insurgency operations.

Ang 27 na hindi sasapi sa PNP ay mapupunta naman sa Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Fire Protection.

Umabot sa 154 ang mag­sisipagtapos sa PNPA na gaganapin sa Camp Castañeda, Silang, Cavite at 127 sa mga ito ang sa­sapi sa puwersa ng PNP.

Ang PNPA Class 2008 ay kilala sa tawag na “Oman-Silang,” isang ka­tagang Muslim na ang ibig sabihin ay “bagong hene­rasyon ng mga mandi­rigma.”

Hinikayat ni Razon ang mga nagtapos na maging maka-Diyos, ma­ka­­tao, ma­­ka­bayan, at ta­pat sa Sa­ligang Batas at panati­lihin ang pagiging ‘apolitical’ o huwag maki­kisaw­saw sa gusot sa pulitika.

Ang valedictorian nga­yong taon sa PNPA ay si Cdt. Clent Vent Inciso, ng Southern Leyte habang ang kanilang baron ay si Cdt. Fred Lenomta. 

Kabilang naman sa mga nagtapos ay anak ng mga pulis, gaya ni Ronald Estilles Jr., Class President   at anak ni Sr. Supt. Ronald Es­tilles Sr., hepe ng Pa­raña­que City Police, at ang kambal na sina Danilo at Daniel Yema, 25, anak ni SPO3 Danilo Yema Sr. ng LIpa City, Batangas. (Joy Cantos)

vuukle comment

AVELINO RAZON JR.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CDT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with