^

Bansa

Operasyon ng PETC dapat limitahan

-

Kinontra ni Land Transportation Office (LTO) Chief Alberto Suansing ang pag-alis o lifting ng moratorium ng DTI sa pagtanggap ng application sa pagtatayo ng Private Emission Test Center (PETC). 

Sa harap ng mga PETC operators, sinabi ni Suansing na hindi siya sang-ayon sa lifting ng moratorium lalo na sa mga lugar na marami nang nag-ooperate na PETC dahil lalo lamang umano mag-iibayo ang mga insidente ng “non-appearance” testing kapag nadagdagan pa ang bilang ng mga PETC na sa ngayon ay mayroon ng cutthroat competition.

Sabi ni Suansing, ang kailangan ay magkaroon ng rationalization sa pag­bibigay ng authorization o tamang bilang la­mang ng PETC ang dapat mag operate sa bawat lugar alin­sunod sa panga­ngailangan ng dami ng bilang ng mga registrants. Dapat ay isa o dalawa lamang ang PETC na maaaring mag-operate sa isang lugar na walang ga­anong malaking popu­las­yon.

Pinaalalahanan din ni Suansing ang mga negos­yanteng nais magtayo ng emission test center na ang pagkakaroon ng DTI permit ay hindi nangangahulugan na bibigyan na sila ng LTO authorization upang mag-operate. 

Anya ang LTO ay may kapangyarihan na magbi­gay ng authorization sa mga PETC na mag-operate ngu­nit ang pagkaka­loob naman ng LTO ng authorization ay ibabase sa pangangailangan ng PETC sa isang lugar. 

Mula nang dumami ang mga nag-operate na PETC, naglipana na ang non-appearance sa pag­papasuri ng usok ng mga sasakyan sa kagustuhan ng mga operators na ku­mita ng malaki. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANYA

CHIEF ALBERTO SUANSING

LAND TRANSPORTATION OFFICE

PETC

PRIVATE EMISSION TEST CENTER

SHY

SUANSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with