^

Bansa

Abogado ni Lozada, 3 reporter nadukutan ng cellphone

-

Nadukutan ng cell­phone ang tatlong reporter at abogado ng kontrobersiyal na ZTE deal witness na si Rodolfo Nole Lozada Jr., habang dumadalo sa  candle lighting ceremony sa simba­han ng Sto. Nino sa Ton­do, Maynila kamakalawa ng gabi.

Sa reklamong inihain kay SPO4 Roberto Jime­nez ng Manila Police District-Station, nadukutan sina Michael Fajatin, TV reporter ng GMA news, na nawalan ng cellular phones na nagkaka­ha­laga ng PP55,000; ABS-CBN reporter Jose Maria Villarama  II, na naduku­tan ng tig-P30,000 halaga ng cellphone; Dennis Datu, radio reporter ng DZMM-ABS-CBN, na na­walan din ng cellphone.

Bukod sa tatlo, nata­ngayan din ng cellphone si Atty. Reynaldo Princesa na naroon din sa candle lighting event.

Ani MPD Station 2 chief, P/Supt. Mario Es­pino, madali umanong makagawa ng pandu­rukot sa nasabing pag­titipon dahil dinagsa ng mga tao ang organi­sadong misa para sa katotohanan na inialay kay Lozada. 

Nabatid naman sa ilang source na maaaring maibalik ang mga cell­phones dahil may sindi­kato ng mga mandurukot na nasasakupan ng MPD-Station 2, na sinasabing hawak ng isang alyas “Popoy” na kakilala rin umano ng mga pulis na nakatalaga doon.  (Ludy Bermudo)

DENNIS DATU

JOSE MARIA VILLARAMA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MARIO ES

MICHAEL FAJATIN

REYNALDO PRINCESA

ROBERTO JIME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with