^

Bansa

Eat Bulaga host ayaw mag-Jun Lozada

-

Tinanggihan ng komed­yanteng host ng Eat Bu­laga na si Wally Bayona na gu­manap bilang si Engr. Ro­dolfo Noel “Jun” Lozada hing­gil sa pinaplanong pag­sasapelikula ng buhay ng kon­trobersiyal na ZTE witness.

Ayon kay Bayona, mas gusto umano niyang guma­nap na lamang bilang si Pugo dahil para sa kanya, mas bagay sa kanya ang naturang role, bukod pa sa kilala at nasubaybayan nila ang pagkatao ng kalbong komedyante na hinangaan din sa pinilakang tabing noong dekada 70 at 80.

“Biruan ba ito? Hindi ko kasi alam ang karakter at alam ko mas kamukha ko si Pugo at mas alam ko ang buhay niya. Pero magka­ba­bayan kami ni Mr. Lo­zada dahil Bicolano rin ako,” sabi pa niya.

Sabi pa ni Bayona, baka raw magmukha la­mang siyang si Sisa o iyong ina nina Crispin at Basilio na nasisiraan ng pag-iisip sa nobela ng Noli Me Tangere ng pamban­sang bayaning si Gat Jose Rizal.

“Hindi naman sa sina­sabi kong baliw si Mr. Lo­za­da, pero nasanay kasi sa akin ang mga tao na guma­ganap bilang si Arwani at ba­ding kaya parang hindi bagay at parang mahirap lang iyong karakter. Bading ba si Mr. Lozada?” biro pa ni Wally.

Hindi naman masabi nito nang direkta kung bilib ba siya sa kredibilidad ni Lozada bilang testigo sa ZTE-NBN broadband controversy, ngunit ramdam sa mga pahayag ni Wally na wala itong panahon para pag-aksayahan ng pana­hon ang mala-grandstanding na telenovela na naga­ganap sa Senado ngayon.

Kamakailan, hayagang sinabi ni Ina Alegre, producer ng award-winning na pelikulang Banal na nakiki­pag-usap na sila sa kampo ni Lozada at isa sa napipisil nilang gumanap bilang bida rito ay si Wally Bayona.

Mismong si Lozada kasi ang nagsabi na basta kalbo, kahit sino ay puwe­deng gu­ manap kapag isi­na­pelikula ang kanyang buhay.

Angkop naman para sa karakter ni Lozada si Ba­yona dahil para kay Alegre, magaling magpatawa ang nasabing host tulad ng naturang “star witness” na idinadaan na lamang sa biro at patawa ang mga bintang na ano­ malya sa pamaha­laan.

Sinabi rin ni Alegre na bu­­ kod sa pagiging “kalbo,” si Wally din umano ang pina­kamalapit na kamukha ni Lozada sa mga komed­yante ngayon sa bansa. (Butch Quejada)

vuukle comment

ALEGRE

BAYONA

BUTCH QUEJADA

LOZADA

MR. LO

SHY

WALLY BAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with