^

Bansa

‘Pagbuwag sa PASG proteksiyon sa smugglers’

-

Inakusahan kahapon ni Presidential Anti-Smuggling Group chief Under­secretary Antonio Villar Jr. ang ilang kongresista na ginagamit ang kanilang posisyon para protek­syu­nan ang kanilang pansa­riling interes.

Ayon kay Usec. Villar, isang malinaw na demo­lisyon ang ginagawa nina Zambales Rep. Ma. Mila­gros Magsaysay at Albay Rep. Al Francis Bichara na nagsusulong upang buwa­gin ang PASG.

“Well I have bad news for them. I will never back out in telling the public why they want me out of the scene,” wika pa ni Villar.

Idinagdag pa ng PASG chief, posibleng nanga­ngamba si Rep. Magsay­say na mabulabog ang kanilang “negosyo” mata­pos mapasailalim sa PASG ang pamamahala sa Task Force Subic.

Naapektuhan naman si Rep. Bichara nang mapa­bilang ang kanyang 3 luxury vehicles sa 81 sa­sak­yang kinumpiska ng PASG sa Auto Sports 24 sa Makati City noong naka­raang taon kung saan ay hindi pa nare-release ang kanyang sasakyan dahil sa pagkabigong magpakita ng mga dokumento.

“I cannot understand why these congressmen are very eager to abolish PASG where in fact we have a lot of accomplishments and contributions to the govern­ ment’s campaign to curb smuggling,” wika pa ni Villar.

Napag-alaman ng PASG na pag-aari ni Bi­chara ang 2 Grand Cherokee, isang Volvo at Jaguar na kabilang sa nakumpiska ng PASG sa Auto Sports 24 sa Makati City noong nakaraang December 14.

Wika pa ni Villar, nare­histro lamang sa pangalan ni Bichara ang Grand Cherokee 3 araw matapos ang isinagawang raid ng PASG sa Auto Sports 24 at batay sa certificate of registration nito sa Land Transportation Office ay 2006 model ang Cherokee ngunit 1995 model naman ang nakasulat sa kanyang certificate of payment kung saan ay P15,616 lamang ang binayarang buwis.

Iginiit pa ni Villar, ang Jaguar SI model 2001 ni Bichara ay naipasok sa bansa na hindi nagbaba­yad ng duties dahil sa katwiran ng mambabatas na exempted daw ito sa duties at taxes dahil sa may kara­ patan siyang magpa­sok ng sasakyan sa bansa bilang isang dating ambassador ng Pilipinas sa Lebanon subalit bigo naman ang mambabatas na mag­pakita ng import entry ga­yundin ang certificate of tax exemption habang iniim­bestiga­han pa rin ng PASG ang Volvo S80 model 2000. (Rudy Andal/Butch Quejada)

AL FRANCIS BICHARA

AUTO SPORTS

BICHARA

GRAND CHEROKEE

MAKATI CITY

PASG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with