^

Bansa

Pinay trinatong parang aso, tatanggap ng P33.5M

-

Blacklisted o bawal nang makapasok sa ban­ sa ang isang American couple matapos ma­hatu­lan ang mga ito ng US court dahil sa pag­tratong pa­rang aso sa Pinay domestic helper sa Los Angeles, California.

Nabatid kay Immigration Commissioner Mar­celino Libanan na napa­tu­nayang nagkasala  sina James Jackson, 53, isang top Hollywood laywer at asawang si Elizabeth, 54 ng pagma­maltrato sa Pi­nay na si Nena Ruiz, da­ting school teacher.

Nakapaloob sa ka­utusan ng korte na pag­multahin ang mag-asawa ng halagang $825,000 o P33.5 milyon bilang da­mages sa nasabing Pinay.

Nag-plead ng guilty sa kasong forced labor si Elizabeth sa pagtrato ng mas masahol pa sa aso kay Ruiz kaya hinatulan ito ng 3 taong pagkabi­langgo.

Inatasan din ng korte si James Jackson, dating vice president ng legal affairs ng Sony Pictures, na gumawa ng 200 oras na community service at pinagbabayad ng $5,000 multa matapos aminin nito ang kasong har­bouring an illegal alien.

Sa testimonya ni Ruiz, habang naglilinis at pina­ pakain ng fresh food ang mga alagang hayop ng mag-asawang Jackson ay hindi naman siya pinapa­kain sa loob ng tatlong araw.

Sapilitan din siyang pinatutulog sa tulugan ng aso at pinagtatrabaho ng 18 oras kada araw. At kahit tapos nang maka­pagtra­baho ng pitong buwan sa mga Jackson ay binayaran lamang siya ng halagang $300.

Aniya, tinakot din siya ng mag-asawa na ibi­bigay  siya sa US immigration bureau kung ta­tangkain nitong tumakas.

Sa hiwalay na kasong sibil, sinampahan din ng kaso ni Ruiz si Elizabeth dahil sa madalas na pananampal at panana­bunot umano sa kanya ng amo.

Iginiit ni Libanan na ang pag-ban sa mag-asawang Jackson ay upang mai­pakita sa buong mundo na kaila­ngang tratuhin ng ma­katao ang lahat ng mga OFW na nagbibigay ng serbisyo sa kanilang foreign employer. (Ellen Fernando)

CITY

ELLEN FERNANDO

JAMES JACKSON

PLACE

RUIZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with