^

Bansa

Healing priest ‘ban’ sa Dagupan

-

Tahasang tinututulan ni Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz na magsagawa ng pang­ga­gamot o healing ministry sa kaniyang nasasa­kupan ang pinagkakaguluhang ‘the healing  priest’ na nakabase sa Canada at  naglilibot sa bansa.

Ibinunyag ni Cruz na batay sa kaniyang pag-iimbestiga, hindi makatwiran na may sangkot na pera o hinihinging donasyon ang gawain ni Fr.  Fernando Suarez, na may mga kasamang tauhan o organizers.

Maliban pa dito, may kasama umanong negos­yo din ang paglilibot ng nasabing pari partikular ang pagbebenta ng rosaryo na sinasabing may healing power.

Aminado si Cruz na hindi na ito pinanghihi­masukan ng pamunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines dahil hindi na­ man ito national concern.

Nasa kamay na anya ng ibang mga  obispo kung papayagan o hindi sa kani-kani­lang lugar ang  healing rally ni Fr. Suarez.

  Matatandaang kinondena ni Bishop Jose Oliveros ng Bulacan ang ginawang healing minis­try ni Suarez sa kanilang lugar dahil sa kawalan ng pahintulot mula sa kaniya.

Isa umanong paglabag sa doktrina ng Simba­hang katoliko ang ginawa ni Fr. Suarez sa Divine  Mercy sa Marilao dahil wala naman umano itong permiso mula sa kanya.

Una nang napaulat na may nahilo at hini­matay sa pagdagsa ng libong tao sa healing session na isinasagawa ni Fr. Suarez sa iba’t-ibang lugar.

Bukod pa rito, inireklamo din ng ilang taong simbahan ang siyento-por-siyentong pagkuha ng mga tauhan ni Fr. Suarez ng mga do­nasyon na hindi man lamang nag-iwan ng kaunting panggas­tos sa mga nasirang upuan o mga taong nangasi­wa sa pagsasagawa ng healing rally. (Ludy  Bermudo)

BISHOP JOSE OLIVEROS

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE

SHY

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with