^

Bansa

Win-win solution alok sa Sumilao farmers

-

Nakakita ng “win-win solution” ang pamunuan ng San Miguel Food Inc. (SMFI) hinggil sa matagal nang ipinaglalabang lupa ng mga magsasaka sa Sumilao Bukidnon.

Ayon kay Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman, sinabi umano ni SMFI president Ramon Ang kay Pang. Arroyo na mayroon silang “win-win solution” sa problema ng Sumilao farmers, kaya’t kaagad na nag-ayos ng isang dayalogo sa telepono ang pangulo sa pagitan nina CBCP Pres. at Jaro, Iloilo Angel Lagdameo at Malaybalay, Bukidnon Bishop Honesto Pacana ng oras ding iyon.

Napag-alaman na bumibili ng 144 hektarya ng lupa ang SMFI na kalapit lamang ng lupain na inookupa ng kanilang kompanya at iniaalok ito sa Sumilao farmers kapalit ng lupain na ipinaglalaban ng mga magsasaka.

Maliban pa dito, sinabi ng SMFI na sasanayin at ipapasok nila ng trabaho ang may 500 magsasaka sa Sumilao upang magtrabaho sa lugar na kasalukuyang okupado na ng San Miguel.

Wala pa namang tugon ang Sumilao farmers kung sasang-ayunan nila o hindi ang alok ng higanteng food and beverage company.

Nang tanungin si Pangandaman kung sa tingin ba niya ay “win-win solution” nga ang alok ng SMFI sa Sumilao farmers, sinabi ng kalihim, para sa kaniya, ang pinakamagandang solusyon ay kung magka­kasundo ang dalawang partido sa mapayapang paraan at bawat isa ay magiging masaya.

AGRARIAN REFORM SECRETARY NASSER PANGANDAMAN

AYON

BUKIDNON BISHOP HONESTO PACANA

ILOILO ANGEL LAGDAMEO

RAMON ANG

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL FOOD INC

SUMILAO

SUMILAO BUKIDNON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with