^

Bansa

2 deboto patay!

- Ni Grace Dela Cruz -

Nabahiran ng dugo ang dapat sana’y pa­yapang pagdiriwang ng ika-401 taong pista ng Nazareno matapos da­lawang deboto nito ang namatay at 44 iba pa ang nasugatan ng ma­uwi sa stampede ang prusisyon kahapon sa Quiapo, Maynila.

Dead-on-arrival sa Philippine General Hos­pital si Cecilia Fa­jardo, 54, residente ng No. 3062 Interior 31, Ba­cood, Sta. Mesa mata­pos na atakihin umano sa puso.

Ang isa pang bik­tima na kinilalang si Alex Radovan, 44, ng 1881 Vicente Cruz st., Sam­paloc, Maynila ay nama­tay matapos ma­ipit at matapakan ng mga nagkakagulong deboto.

Hindi naman mabi­lang ang mga hini­matay sa prusisyon dahil sa matinding pagsisiksikan ng mga deboto para lamang makalapit ang mga ito sa itim na Na­zareno.

Isang siyam na bu­wang gulang na sang­gol naman ang naiulat na isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) matapos na masuga­tan at maipit kasama ang kanyang ina.

Bandang alas-2 ng hapon kahapon nang ilabas sa simbahan ng Quiapo ang Black Na­zarene. Gayunman, na­bigong makontrol ng mga escort na pulis ang nagkagulong mga de­boto na nagtang­kang hilahin ng lubid at ha­wakan ang karo ng Itim na Nazareno da­hilan para hindi ito mailibot sa mga lugar na nakatakda sanang daanan nito.  

Mula sa simbahan ng Quiapo, ang Naza­reno ay nakatakda sa­nang iikot sa mga kalye ng Villa­lobos, P. Go­mez; Paterno; Que­zon blvd.; Globo de Oro; Guano; Arlegui; Fraternal; Ver­gara; Duque de Alba; Castillejos; Hor­nesio; Nepumuceno; Aguila; Carcer; Hidalgo at Bar­bosa.

Tinatayang nasa 80,000-100,000 de­boto na pawang naka­yapak ang nagpunta sa Quia­po para sa pina­kama­halagang religious event sa Simba­hang Katoliko sa Pili­pinas.

Ayon naman sa city government, ang lahat ng paghahanda ay kani­lang ginawa at ang mga tao na mismo ang siyang walang disiplina sa pagnanais na ring makahawak sa imahe.   

Maging si MPD Station 3 Commander Supt. Romulo Sapitula ay  hindi sinanto ng mga deboto. Nabatid na sini­sigawan lamang umano ng mga deboto si Sapi­tula sa tuwing magbi­bigay ito ng instruction sa mga taong naghi­hintay ng pag­labas ng Nazareno.

Ilang saglit pa ay tila napikon umano si Sa­pi­tula kaya’t ibinigay na la­mang ang mega phone na hawak nito sa pari.

Ngunit maging ang pari na nananawagan para mabigyan ng daan ang paglabas ng Black Nazarene ay dinedma din ng mga deboto.

Ilang unibersidad naman sa Maynila ang tuluyan ng nagkansela ng kanilang klase bun­sod ng nasabing pag­diriwang.

Pasado alas-8 kaga­bi nang makabalik sa loob ng simbahan ang imahe.

vuukle comment

ALEX RADOVAN

BLACK NA

BLACK NAZARENE

MAYNILA

NAZARENO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with