^

Bansa

Bill para ‘humaba’ ang buhay ng lalaki inihain

-

Dahil tumataas ang “life expectancy gap” ng mga lalaki at mga ba­bae kung saan na­tuk­lasan na mas maikli ang buhay ng mga lalaki kaysa sa mga babae, isang panuka­lang batas ang inihain ni Sen. Mi­riam Defensor San­tiago na nag­lalayong panga­lagaan ang buhay at kalu­sugan ng mga kala­lakihan.

Sa kanyang Senate Bill 1910 o “Men’s Health Act of 2007”, nais ni San­tiago na magka­roon ng Office of Men’s Health na ila­lagay sa panganga­laga ng Department of Health upang ma­isulong ang panganga­laga sa kalu­su­gan ng mga la­laki.

Ayon kay Santiago, sa Amerika, ang life expectancy gap sa pa­gitan ng lalaki at babae ay tu­maas nang mula isang taon noong 1920 sa anim na taon noong 2001.

Dito sa Pilipinas, si­nabi ng DOH na ang life expectancy ng mga la­laki ay 67.83 taon sa­mantalang karami­han sa mga babae ay tu­ma­tagal ng hang­gang 73.08 taon.

Kabilang umano sa mga dahilan ay ang mali­mit na pagbisita ng mga babae sa kanilang doctor kaya mas na­kakaiwas sa mga iba’t ibang sakit at kompli­kasyon.

Naniniwala si San­tiago na ang maagang detection ng mga male health problems ay ma­halaga upang iwa­san ng mga lalakihan ang iba’t ibang sakit. (Malou Escu­dero)

DEFENSOR SAN

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH ACT

MALOU ESCU

OFFICE OF MEN

SENATE BILL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with