^

Bansa

Villar mapapatalsik lang kung may kasalanan sa taumbayan - Kiko

-

Maaari lamang uma­nong mapatalsik sa puwes­to si Senate President Manny Villar kung may ma­bigat na kasalanan ito sa taumbayan at hindi dahil la­mang may mga senador na hindi kuntento sa liderato nito.

Sinabi ni Senate Majority Leader Francis “Kiko” Pa­ ngilinan na hindi basta-basta mapatalsik sa puwes­to si Villar kung hindi naman mabigat ang mga akusas­yon laban sa kanya.

Isa sa mga inaangal ni Sen. Jamby Madrigal ay ang paggamit umano ni Villar sa ‘caucus’ upang  ang pagpapatibay ang isang panukalang batas at hindi sa malayang debate sa bulwagan ng Senado.

“Laging may batikos sa liderato ng Senado kahit sino pa ang nakaupo ngunit hangga’t hindi mabigat-bigat ang paratang laban sa liderato mahirap magka­roon ng realignment sa hanay ng mga senador,” sabi ni Pangilinan.

Ayon pa rito, sa kasalu­kuyan ay wala namang kontrobersiyang kinaka­sang­kutan si Villar kaya wa­lang dahilan para patalsikin ito sa puwesto. (Malou Escudero)

vuukle comment

AYON

ISA

JAMBY MADRIGAL

MALOU ESCUDERO

SENADO

SENATE MAJORITY LEADER FRANCIS

SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with