SMDC at Pag-IBIG Fund, nagkasundo sa mas abot-kayang bahay

MANILA, Philippines — Lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang SM Development Corporation (SMDC) at Pag-IBIG Fund para sa abot-kayang bahay sa tulong ng Pag-IBIG. Sa mas mataas na loan ceiling, mas maraming accredited SMDC projects ang maaaring pagpilian ng mga miyembro. Kasama rito ang Coast Residences (Pasay), Spring Residences (Parañaque), Hill Residences (Quezon City), at Cheerful Homes 1 at 2 (Pampanga). May mga proyekto rin sa Makati, Mandaluyong at Pasay na kasalukuyang ina-accredit.
Ayon kay Jessica Sy, VP ng SMDC, personal sa kanilang pamilya ang adbokasiyang “nation of homeowners” dahil ang bahay ay nagbibigay ng katatagan at pamana. Sinabi naman ni DHSUD Secretary Jose Ramon P. Aliling na ang partnership ay kaagapay sa Expanded 4PH program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Layunin nitong palawakin ang abot-kayang pabahay sa pamamagitan ng pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor.
Ayon kay Jeffrey C. Lim, Pangulo ng SM Prime at SMDC, mahalaga ang papel ng gobyerno sa mas abot-kayang financing, habang tungkulin ng developers na magbigay ng tahanan at komunidad na may pangmatagalang halaga. Ang Pag-IBIG Fund ang magtatakda ng eligibility, appraisal, loan amount at approval: Hanggang P10 milyon, payable hanggang 30 taon.
- Latest



















