PANOORIN: Gibo, binara ang China sa usapin ng UNCLOS
MANILA, Philippines — Pumalag si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. sa China matapos makatanggap ng isang handwritten note habang nagsasalita sa 2026 Seoul Defense Dialogue sa South Korea nitong Martes.
Habang sinasagot ni Teodoro ang isang tanong tungkol sa mga aksyon ng China sa South China Sea, iniabot sa kanya ang sulat na naglalaman ng posisyon ng Beijing sa 2016 South China Sea arbitral ruling.
Ayon sa kalihim, hindi nararapat na magpadala ng ganitong mensahe habang may international forum at may iba pang delegasyon na nakikinig.
Sinabi niyang ipinapakita nito ang kawalang-galang hindi lamang sa international law at UNCLOS kundi maging sa South Korea bilang host ng forum at sa iba pang dumalo.
- Latest



















