^

Bansa

Pagsigla ng ekonomiya ipinagmalaki ni GMA

-

Naniniwala si Pangu­long Arroyo na magiging matatag, malakas at mapayapa ang bansa sa pagdiriwang nito ng Kapaskuhan.

Sa Christmas message ni Pangulong Arroyo sa sambayanang Filipino, ipinagmalaki niyang naging masigla ang ating ekonomiya, tumatalon ang stock market at umaagos ang investment sa bansa.

“Puno tayo ng pag-asa sa pagwawakas ng nagdaang taon at pag­bubukas ng bagong taon,” wika pa ng Pa­ngulo sa kanyang men­sahe sa sambayanang Filipino ngayong Pas­ ko.

Binigyang papuri din ni Mrs. Arroyo ang 8 milyong Overseas Filipino Workers dahil sa kanilang pagsasa­kri­pisyo sa ibayong dagat na hindi makakasama ang kanilang pamilya sa Pilipinas dahil sa ka­nilang trabaho.

“Gusto nating ipa­batid sa kanila kung gaano sila nami-miss ng mga kamag-anak at ka­ibigan sa ating bansa,” pahayag pa ng Pa­ ngulo.

Nanawagan din si PGMA sa lahat na mag­kapit-bisig, mag­ dasal para sa kapa­yapaan at tumulong sa mahihirap.

“Walang mas da­kilang adhikain kaysa sa mamumuhay nang pa­yapa at ligtas sa gutom at kakulangan. Mali­gayang Pasko at Ma­nigong Bagong Taon,” wika pa ng Pangulo sa kanyang mensahe sa sambayanan. (Rudy Andal)

BAGONG TAON

MRS. ARROYO

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SA CHRISTMAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with