^

Police Metro

Atong Ang, parak ipinapaaresto ng Manila RTC

Mer Layson - Pang-masa
Atong Ang, parak ipinapaaresto ng Manila RTC
Charlie ‘Atong’ Ang, accompanied by his legal team, arrives at the Mandaluyong City Prosecutor’s Office on July 23 this year to file criminal charges against whistleblower Julie Patidongan and Alan Bantiles for allegedly making false accusations.
Michael Varcas

MANILA, Philippines – Naglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court Branch 175 laban kay Charlie “Atong” Ang at dating pulis na si Police Lieutenant Ryan Jay Orapa dahil sa pagkakasangkot sa kaso mga nawawalang sabungero.

Inilabas ng Mababang Hukuman ang warrant of arrest laban sa dalawa noon pang Oktubre 30, 2026 matapos na makitaan ito ng sapat na ebidensiya para mag-establisa ng probable cause.

May kinalaman ang kaso sa kidnapping at serious illegal detention na isinampa laban kina Ang at Orapa kaugnay nang pagkawala ng ilang sabu­ngero sa Manila Arena.

Wala namang ­inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng mga ipinaaarestong akusado.

Matatandaang si Ang ay kasalukuyan na ring pinaghahanap ng mga awtoridad matapos na tukuyin bilang res­pondent sa 10 bilang ng kasong kidnapping with homicide at 16 na bilang ng kasong kidnapping with se­rious illegal detention kaugnay pa rin ng kaso ng missing sabu­ngeros.

CHARLIE “ATONG” ANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with