^

Bansa

64 preso laya na!

- Ni Rudy Andal -

Walang napabilang na mga controversial personalities sa 64 inmates sa New Bilibid Prison (NBP) na binig­yan ni Pangulong Glo­ria Macapagal-Arroyo ng presidential pardon at makakauwi sa kani-kanilang pamilya bi­lang regalo ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Presidential Spokesman at Press Secretary Igna­cio Bunye, mananatili pa rin sa Muntinlupa sina Rolito Go, Ambet Antonio, dating Ca­lauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez at dating Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos matapos hindi sila mapasama sa mga nabigyan ng presidential pardon.

Sinorpresa kaha­pon ni Sec. Bunye ang 64 inmates sa National Penitentiary nang ipa­batid sa mga ito ang ipinagkaloob ng executive clemency sa ka­nila.

Naging basehan sa pagkakaloob ng pardon ang edad 70 ng mga ito at dahil na rin sa humanitarian reasons.

Wika pa ni Bunye, umabot sa 258 inmates ang nabigyan ng executive clemency sa taong ito habang 173 naman ang na-commute ang kanilang sentence ka­ bilang si Ja­losjos na mula sa double-life ay naibaba sa 16 years imprisonment.

Ang 40 mula sa 64 inmates na nabigyan ng pardon ay nakalaya na agad kahapon at makakauwi na sa ka­nilang pamilya nga­yong Kapaskuhan.

vuukle comment

AMBET ANTONIO

BUNYE

KAPASKUHAN

LAGUNA MAYOR ANTONIO SANCHEZ

NATIONAL PENITENTIARY

NEW BILIBID PRISON

NORTE REP

PANGULONG GLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with