Pangangalaga sa suplay ng tubig ipinanawagan
Nanawagan kahapon si Department of Environment and Natural Resources Secretary Lito Atienza sa mamamayan na pangalagaan ang malinis na suplay ng tubig para maiwasan ang problema sa kalusugan at maging ang kamatayan.
“Napipinto ang krisis sa tubig at trahedya ang ibubunga ng pagbalewala sa mga babalang senyales nito,” sabi ng kalihim sa isang pahayag.
Idiniin niya na kailangang pangalagaan ang mga pinagkukunan ng malinis na tubig. Isa itong dahilan kaya gusto niyang ipalinis ang Laguna de Bay at iba pang lawa at ilog sa bansa at ipatanggal ang mga fish pen at fish cages dito.
Ayon sa isang pag-aaral ng Asian Development Bank, maituturing nang patay ang 16 sa mga ilog at lawa ng Pilipinas at 33 porsiyento lang ang maituturing na malinis.
- Latest
- Trending