^

Bansa

Inuming tubig kontaminado

-

Ibinunyag ng environmentalist group na Green­ peace International na kontaminado ng nitrate pollution ang inuming tubig sa mga pangunahing agrikultural na lugar sa  bansa .

Batay ito sa resulta ng pag aaral ng Green­peace Water Patrol sa nitrate levels sa inuming tu­big at ang pagkaka-ugnay nito sa nitrogen fertilizer na gina­gamit ng mga magsasaka sa kani­lang pagtatanim.

Bunsod nito, nanawagan ang Greenpeace sa pamahalaan na agad aksiyonan ang bagay na ito para maprotektahan ang maraming mama­mayan mula sa pag inom ng tubig na konta­minado ng nakalalasong nitrate.

Sinabi ni Daniel Ocampo ng Greenpeace na nadiskubre nila ito sa mga bukiring ginagamitan ng fertilizer sa kanilang pananim.

Hindi anila malalaman ng mga tao dito na may nitrate ang naiinom nilang tubig dahil wala itong masamang amoy at walang kakaibang kulay pero ang hindi nila alam, ang iniinom nilang tubig ay may lason ng nitrate.

Kabilang umano ang Benguet at Bulacan sa mga lugar na kontaminado ng nitrate ang inuming tubig.

Sa pag aaral, lima sa 18 artesian wells sa Ben­guet at Bulacan ay may nitrates level.

Maaari anyang magkaroon ng cancer sa digestive tract gayundin ng ovarian cancer, bladder at lymphoma ang mga taong nakakainom ng tubig na may nitrate gayundin ay ang pag­kaka­roon ng ‘blue baby syndrome’ o methemoglobinemia ang sakit na tumatama sa mga bata na umi­inom ng tubig na kontaminado ng nitrate.

Ang Blue-baby syndrome ay maaaring kaki­taan ng cyanosis, headache, stupor, fatigue, tachycardia, coma, convulsions, asphyxia na maaari nitong ikamatay. (Angie dela Cruz)

ANG BLUE

BULACAN

DANIEL OCAMPO

GREENPEACE

NITRATE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with