^

Bansa

400 bata nabiyayaan ng libreng binyagan

-

Muling nagtala ng ka­ say­sayan ang pinakama­tandang simbahan sa Ta­guig City nang idaos dito ang libreng pagpapabinyag sa mahigit na 400 bata sa ilalim ng Binyagan sa Ba­rangay ng Hulong ng Langit Foundation ng pilan­tropo at populistang si Mark Jime­nez.

Sina Fr. Ernesto Perus at Fr. Paulino Baltazar ang nagmisa sa dalawang grupo ng mga bininyagang bata sa 428-taong Shrine of St. Anne sa Barangay Sta. Ana noong Biyernes ng umaga.

Katulad ng mga na­ unang binyagan, sinagot ni Mark Jimenez ang mga da­mit, sapatos at handa ng mga batang bininyagan na may edad anim pababa.

Ang libreng binyagan sa barangay ay naglalayon na pabinyagan ang isang milyong bata, 50,000 sa Metro Manila at 950,000 naman sa mga lalawigan.

“Hulog ng langit talaga sa amin si MJ, kasi sa hirap ng buhay ngayon at sa ka­tulad naming mga mahihi­rap hindi biro ang gastos sa pagpapabinyag,” ani Aling Luz, isa sa mga magulang nang nabinyagan.

ALING LUZ

BARANGAY STA

ERNESTO PERUS

LANGIT FOUNDATION

MARK JIME

MARK JIMENEZ

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with