^

Bansa

NBI na ang maghahanap kay Bedol

-

Kukunin ng Commission on Elections (Comelec) ang serbisyo at tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng paghahanap kay dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol.

Ayon sa Comelec,  dis­ mayado sila  ginawang pagkilos ng Philippine National Police na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nadadakip si Bedol sa kabila ng ipinalabas na warrant of arrest.

Nabatid kay Commissioner Rene Sarmiento, nakatakdang pag-usapan ng  Comelec en banc ang posibleng paghingi ng tulong sa NBI kung saan ito na rin ang siyang magha­hain ng warrant of arrest at  maghahanap kay Bedol na nagtatago na sa batas.

Maging ang kahilingan sa Bureau of Immigration na mag-isyu ng hold departure order laban kay Bedol ay pinag-aaralan din ng Komisyon.

Sinabi ni Sarmiento na hindi mahanap ni Chief Supt. Joel Goltiao, police director PNP-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), si Bedol kung kaya’t hindi rin maibigay ang arrest warrant laban dito. (Doris Franche)

AUTONOMOUS REGION

BEDOL

BUREAU OF IMMIGRATION

CHIEF SUPT

COMELEC

COMMISSIONER RENE SARMIENTO

DORIS FRANCHE

JOEL GOLTIAO

LINTANG BEDOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with