^

Bansa

Bedol wala na sa ‘Pinas

-

Posible umanong na­kalabas na ng bansa ang wanted at kontrobersyal na si dating Maguindanao Election Supervisor Lin­tang Bedol. 

Ayon sa isang opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), maaaring wala na sa bansa si Bedol bago pa man maipalabas ang arrest warrant laban dito. 

“Walang palatandaan na narito pa sa bansa si Bedol, baka nakatakas na talaga siya,” ayon sa opisyal matapos na ma­bigo silang madakip ang dating opisyal sa mga lugar na posible nitong pagtaguan.

Nitong Huwebes ay inilagay na ng Bureau of Immigration sa hold departure order si Bedol.

Inalerto na rin ni Immigration Commissioner Marcelino Libanan ang lahat ng immigration agents na nakatalaga sa mga pangunahing pali­paran ng bansa partikular ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na tiyaking hindi makakala­bas ng Pilipinas ang da­ting opisyal.

Ang larawan ni Bedol ay  ipinakalat  sa  mga  immigration departure counter upang madali itong makilala ng mga immigration at police personnel sa mga paliparan ng bansa.

Si Bedol ay pinatawan ng pagkakakulong ng anim na buwan at pi­nagmumulta ng P1,000 dahil sa kasong indirect contempt dahilan sa ilang ulit na pag-isnab sa mga patawag ng komisyon kaugnay ng sinasabing pagkakasangkot nito sa malawakang dayaan noong May 14 eleksyon. (Joy Cantos/Ellen Fer­nando)

vuukle comment

BEDOL

BUREAU OF IMMIGRATION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

ELLEN FER

IMMIGRATION COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with