^

Bansa

‘Rajah Sulayman Movement’ inako ang Makati bombing

-

Isang grupo ng mga rebeldeng tinatawag na Rajah Sulayman Movement  ang umamin na sila umano ang responsable sa pambobomba sa Glorietta sa Makati City kamakalawa na ikinamatay ng siyam na tao at ikinasugat ng mara­mi pa.  

Ito ang inihayag kaha­pon ng isang Ruben Omar Lavilla alyas Sheik  Omar na nagpakilalang tagapag­salita ng RSM sa kanyang text message na ipinadala sa ABS-CBN News.

Kaugnay nito, hiniling ni Lavilla na palayain ang tagapagtatag ng RSM na si Hilarion del Rosario Santos alyas Ahmed Santos sa loob ng 24 oras dahil kung hindi, aatake silang muli sa mga pampublikong lugar at mahalagang mga insta­lasyon.

Ang RSM ay isang tero­ristang organisasyon na umano’y binubuo ng mga dating Kristiyanong lumipat sa relihiyong Islam at kumikilos sa Maynila at hilagang Luzon. Hinihina­lang sila ang may kagaga­wan ng mga pambobomba sa kalakhang Maynila noong taong 2000 at 2004.

Sinabi pa niya na mag­papatuloy ang Jihad (Holy War) laban sa mga Kristi­yano kung hindi titigil ang militar sa pagpatay sa mga Muslim sa Mindanao.

“Nakalagay na ang aming mga target. Nasa militar na kung titignan ito sa mga malls, buses at mahahalagang instalas­yon,” sabi pa ni Lavilla. 

Inihayag naman ni National Security Adviser Norberto Gonzales na be­beripikahin ng pamahalaan kung RSM ang respon­sable sa pambobomba sa Makati.

Si Lavilla na isang dating professor sa University of the Philippines ay itinuturing na religious, political at strategic leader ng RSM.

vuukle comment

AHMED SANTOS

HOLY WAR

LAVILLA

MAKATI CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with