^

Bansa

TMG bawal nang manghuli

-

Upang maiwasan ang pagkakasangkot sa pango­ngotong, simula kahapon ay pinagbawalan na ni Philip­ pine National Police (PNP) Chief Director Ge­neral Ave­lino Razon Jr. sa mga ele­mento ng PNP-Traffic Ma­nagement Group na mang­huli ng mga traffic violators.

Ayon kay Razon, mag­popokus na lamang ang PNP-TMG sa pagsugpo ng kriminalidad tulad ng car­napping at carjacking.

Ang direktiba ay kasu­nod ng sumbong ng trans­port groups na kinokoto­ngan umano sila ng mga pulis na nagmimintina sa daloy ng trapiko.

Kaugnay nito, payag naman ang mga bus ope­rators na magpasakay ang PNP ng mga secret mar­shals sa mga bumibiya­heng bus para masawata ang kriminalidad partikular na ang holdapan.

Samantala, papalitan rin ng PNP ang pangalan ng TMG ng Highway Patrol Group.

Binigyang-diin pa ni Razon na determinado siyang maiangat ang imahe ng pulisya sa mata ng publiko kaya pagbubu­tihin nila ang pagseser­bisyo sa mga tao.  (Joy Cantos)

CHIEF DIRECTOR GE

HIGHWAY PATROL GROUP

JOY CANTOS

NATIONAL POLICE

RAZON

RAZON JR.

SHY

TRAFFIC MA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with