^

Bansa

Tagapagmana ng gigibaing gusali umapela sa DPWH

-

Umapela sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa tanggapan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang mga lehitimong tagapagmana ng 2-storey residential building sa Tondo, Maynila kaugnay sa inisyung demolition order ng Office of the Building Official ng City of Manila, sa kabila ng rekomendasyon ng city inspector na kailangan lamang i-repair ang nasabing gusali.

Ayon sa mga petisyuner na sina juliana Pimentel at Amelita Beronilla, kapwa pamangkin ng namayapang may-ari ng nasabing property na si Francisca Beronilla,  ‘maanomalya’ ang resolution  na nilagdaan nina Engrs. Guillermo S. Geronaga Jr., Richard Regidor, Larry Ranoa at Nilo R. Galang, pawang miyembro ng Committee on Buildings na inaprubahan naman ng hepe ng Enforcement Division na nagdeklarang mapanganib at dapat nang ituring na ‘condemned’ building. Inutos sa nabanggit na resolusyon na agad bakan­tehin ang gusali sa loob ng 15 araw, sa oras na ma­tanggap ang kautusan.

Kinuwestiyon din ng mga petisyuner kung bakit pinayagan ang kahilingan ng isang Albert Beronilla na ipagiba ang nasabing bahay sa kabila ng may nakabinbin pang kaso ang nasabing gusali sa sala ni Judge Lucia Purugganan, ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 30. Malinaw anila na walang kapangyarihan o awtoridad si Albert na ipa-demolish ang nasabing bahay dahil hindi niya ito pag-aari.

ALBERT BERONILLA

AMELITA BERONILLA

CITY OF MANILA

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ENFORCEMENT DIVISION

FRANCISCA BERONILLA

GERONAGA JR.

GUILLERMO S

JUDGE LUCIA PURUGGANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with