^

Bansa

Ina ni Erap lumulubha

-

Lumalala na ang ka­ram­daman ng 102 taong gulang na ina ni dating Pangulong Joseph Estra­da  na si Doña Mary Ejer­cito.

Ito ang kinumpirma kahapon ng kanyang duktor na si Dr. Lorenzo Hocson na nagsabing, sa isang buwang pagkakara­tay ni Doña Mary sa San Juan Medical Center, hindi na rumeresponde ang katawan nito sa mga gamot at hindi na bumuti ang kalagayan nito sa nagdaang mga linggo.

Kaugnay nito, muling dinalaw kahapon ni Estra­da si Doña Mary sa ospital at nanawagan siya sa publiko na ipagdasal na payagan siya ng Sandi­ganbayan na masilip ang kanyang ina nang mas ma­tagal sa nalalabing mga sandali ng buhay nito. 

Dahil sa edad ni Doña Mary ay hindi na nito kaya pa ang isa pang operas­yon. ‘Mahirap kalaban ang edad at hindi niya kakayanin ang isa pang operasyon sa kalagayan niya ngayon,” dagdag pa ng doktor.

Inamin din ni Hocson na nitong mga nakaraang araw ay nahihirapan nang huminga ang ma­tan­da at tanging ang breathing machine lang katulad ng ventilator at windpipe ang tumutulong dito.

Bukod dito ay madalas na ring nilalagnat si Doña Mary kaya kinakailangan din ito ng antibiotic. (Edwin Balasa)

BUKOD

DAHIL

DR. LORENZO HOCSON

EDWIN BALASA

MARY EJER

PANGULONG JOSEPH ESTRA

SAN JUAN MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with