^

Bansa

Hanna pa-Vietnam na

-

Inaasahan ang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa buong Luzon at Visayas sa kabila na papalabas na ng bansa ang bagyong Hanna, ito’y bunsod naman ng panibagong “low pressure area” na papasok ng Pilipinas. Sa update ng Pagasa, si Hanna ay inaasahang nasa Vietnam na ngayong Lunes. Pero patuloy na magdudulot ng ulan dahil sa hinahatak nito ang “southwest monsoon” sa kanyang pag-alis.

Sinabi naman ni DOST Undersecretary Dr. Graciano Yumul na panibagong “low pressure area” ang naispatan na papasok sa kanlurang bahagi ng bansa at tatawaging “Ineng” kapag naging ganap na bagyo. Bagaman hindi direktang tatama sa lupain ng Pilipinas, si Ineng ay hahatak ng malakas na pag-ulan sa Visayas at Timog Luzon ngayong Lunes. (Danilo Garcia)

BAGAMAN

DANILO GARCIA

DR. GRACIANO YUMUL

INAASAHAN

INENG

LUZON

PAGASA

PILIPINAS

TIMOG LUZON

VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with