^

Bansa

‘Di pagsunod sa traffic signs, no.1 violation ng mga driver sa QC

-

Ang pagsuway sa traffic signs ang may pi­nakamataas na bilang ng paglabag na ginagawa ng mga pasaway na drivers sa Quezon City.

Ito ang sinabi ni Dexter Cardenas, hepe ng Traffic Operations Division ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ng Quezon City Hall.

Anya, 80 porsiyento ng paglabag ng mga motorista sa QC ay tulad ng Obstruction, disregarding traffic signs habang 20% naman ay ang di pagsusuot ng helmet ng mga motorbike drivers, paglabag sa number coding at truck ban.

Sinabi ni Cardenas, sa isang araw ay may 500-600 drivers ang kanilang nahuhuli na lumalabag sa mga na­banggit na traffic violations nitong naka­lipas na Hulyo at tumaas pa ito sa 700 drivers na nahuhuli ngayong Agosto.

Ayon pa dito, ang mga driver ng mga pam­pa­saherong sasak­yan ang kalimitang lu­malabag sa batas trapiko sa lunsod at partikular na nahuhuli sa kahabaan ng Commonwealth Ave., Aurora blvd., E Rodri­guez, Quirino Ave. at Tandang Sora.

Binanggit pa ni Carde­nas na ang pag-uunahan ng mga driver ng mga pam­pasaherong sasak­yan ang isang ugat ng ka­nilang paglabag sa batas trapiko.

Bunsod nito, naglaan ang QC government ng mas madaming traffic signs para mapaalala­hanan ang mga moto­rista na makasunod sa mga batas trapiko at tuloy mapangalagaan ang ka­nilang kaligtasan habang nasa mga lan­sangan. (Angie dela Cruz)

COMMONWEALTH AVE

DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER AND SAFETY

DEXTER CARDENAS

E RODRI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with