^

Bansa

‘Pag-ampon’ ng mga anak kay MJ, cover-up lang

-

Cover-up lamang uma­no ang balak na “pag-am­pon” ng kanyang mga anak kay dating Manila Congressman Mark Jimenez para mapagtakpan ang multi-bilyong kaso na estafa na kanilang kinakaharap sa korte.

Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Frank Chavez, abogado ni MJ, maituturing na “forum shopping” ang halos magkakahalintulad na kasong isinasampa sa korte ng mga anak ni MJ na aniya ay maliwanag uma­ nong para sa kanilang personal na interes.

Sa petition for guardianship, nais ng mga anak ni MJ na sila na ang manga­laga sa kanilang ama dahil ito umano ay may dipren­siya sa pag-iisip.

Kaagad itong kinontra ni Atty. Chavez at idiniing nasa matinong pag-iisip ang kanyang kliyente at patunay dito ay ang patuloy nitong pagtulong sa mahi­hirap.  

Ayon pa kay Chavez, pinag-iinteresan ng kan­yang mga anak ang kaya­manan ng kanilang ama da­hil tutol sila sa pagtulong nito sa mga nanganga­ilangan.

Matatandaang kinasu­han ng estafa ng dating kongresista ang kanyang mga anak na sina Virgilio, Marcel at Myla dahil sa umano’y pagsa­sab­watan sa pagkamkam sa kanyang kayamanan habang siya ay nakakulong sa Amerika. (Butch Que­jada)

vuukle comment

AMERIKA

AYON

BUTCH QUE

CHAVEZ

FRANK CHAVEZ

KAAGAD

MANILA CONGRESSMAN MARK JIMENEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with