^

Bansa

Pagkain galing China inalis na sa mga grocery, supermarkets

-

Tinanggal na kahapon ng Philippine Association of Supermarkets ang lahat ng kendi at biskwit na galing China sa mga pamilihan.

Kabilang sa pinull-out sa mga grocery at supermarkets na napatunayang may nakalalasong kemi­kal na formaldehyde o formalin ang White Rabbit creamy candy, milk candy na gawa ng Romanticfish Food Industry, Bairong Grape Biscuits na gawa ng Dongguan Bairong Corp. at Yong Kang Food Grape Biscuits na gawa ng Dongguan Yongkang Food Company, Ltd.

Mahigit 800 food products galing China ang kasalukuyang sinusuri ng Bureau of Food and Drugs.

Sinabi ni BFAD Director Joshua Ramos na ang naging findings ng kani­lang ahensiya na isinu­mite kay Heath Secretary Francisco Duque ang gagamiting basehan para i-ban ang mga nabanggit na produkto mula sa China.

Pero nilinaw ng BFAD na ang isa pang uri ng White Rabbit candy – ang brown at matigas na uri – na ginagawa na sa Pilipi­nas ay wala namang for­maldehyde o fomalin.

Ang White Rabbit na malambot ang texture, at nakabalot sa nakakaing papel na gawa sa sticky rice ay isa sa top candy brand na ginagawa sa Shanghai ng Guansheng­yuan Food, Ltd.

Ayon sa pag-aaral ng US Department of Labor’s Occupational Safety and Health Administration, may kaugnayan ang formaldehyde sa mga naka­mamatay na sakit katulad ng brain at lung cancer, at leukemia.

Ginagamit din ang formalin sa pag-iimbalsamo ng mga bangkay at sa paggawa ng glue, plastic, at disinfectant.

Kasabay nito, iginiit kahapon ni Senate President Manny Villar sa BFAD na pag-ibayuhin pa ang isinasagawang ins­pek­siyon sa mga pag­kaing nagmumula sa ibang bansa partikular sa China upang matukoy ang ibang food products na maitu­turing na lason at naka­sasama sa kalusu­gan ng tao.  (Malou Escudero)

ANG WHITE RABBIT

BAIRONG GRAPE BISCUITS

DEPARTMENT OF LABOR

DIRECTOR JOSHUA RAMOS

DONGGUAN BAIRONG CORP

SHY

WHITE RABBIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with