^

Bansa

Pacman bangkarote?

- Ni Ramon M. Bernardo -

Bangkarote na ba ang sikat na bok­si­ngerong tinaguriang People’s Champ na si Manny ‘Pacman’ Pacquiao?

L­umitaw ang katanungang ito sa paglabas ng isang ulat kaha­pon sa ABS-CBN na nagsa­saad na inila­bas ni Pacquiao ang lahat ng natitira niyang pera sa ilang banko.

Dahil sa gi­nawa ng bok­si­ngero na talunang kandidatong kongre­sista sa South Cota­bato, nataranta umano ang isang thrift bank at mga sa­ngay ng da­lawa pang re­gular commercial bank na naka­base sa May­nila dahil nahirapan silang pagserbisyuhan ang ibang depositor o kli­yente sa biglaang withdrawal ng malaking pera ni Pacquiao. 

Ayon sa ulat, kinuha ni Pacquiao ang lahat ng kanyang pera mula sa isang banko sa General Santos City. Natuklasan umano niya na umabot sa mahigit P140 milyon ang nagastos niya sa nakaraang halalan kaugnay ng pagkandi­dato niya sa pagka­kongresista.  

Walang naga­wa ang malaking halagang nalus­tay ni Pacquiao dahil tinalo pa rin siya ni South Cotabato Rep. Darlene Antonino-Cus­todio sa nakaraang ha­lalan.

Bukod sa nabanggit na banko, kinuha rin ng boksingero ang la­hat ng deposito niya sa dalawa pang banko sa lungsod.

Niremedyuhan na lang ng naapektuhang banko ang problema sa pamamagitan ng paggamit sa tinatawag na overnight market para mapaglingkuran ang  ibang nababahala nilang mga kliyente.

Sinasabi rin na nadismaya si Pacquiao sa pagkabigo ng kan­yang pulitikong sponsor na nakabase sa Metro Manila na i-reimburse o ibalik ang mga nagastos niya noong eleksyon.

May usapan umano sila ng kanyang sponsor o principal na aabo­nohan muna niya ang gastusin niya sa kampanya sa South Cotabato at babayaran siya nito pagkatapos ng eleksyon.

Pero, nang matapos ang eleksyon, hindi na nakipag-ugnayan o nakipagkita kay Pac­quiao ang kanyang principal.

Dahil dito, inilabas ni Pacquiao ang lahat ng pera niya sa banko para mapag-isipan ang gagawin sa mga na­titira niyang kaya­ma­nan.

DAHIL

DARLENE ANTONINO-CUS

GENERAL SANTOS CITY

METRO MANILA

NIYA

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with