BOC files raps vs 5 firms, 17 people
Iprinoklama na kahapon bilang halal na gobernador ng Batangas si Lipa City Mayor at actress Vilma Santos na tumalo sa mahigpit niyang mga kalabang sina incumbent Governor Armand Sanchez at Nestor Sanares.
Gayunman, nagsam pa din kahapon si Sanchez sa Commission on Elections ng petisyong humihiling na ipawalambisa ang proklamasyon ni Santos.
Sa kanyang pitong-pahinang petisyon, isiniwalat ni Sanchez ang umano’y pandaraya ni Santos sa pamamagitan ng Oplan Magic Wand na, rito, nagkaroon ng ballot-padding o pagpa palobo ng bilang sa mga election return sa iba’t ibang bayan at lunsod sa Batangas.
Nagkaroon din umano ng vote-buying at ito umano ay nakapaloob sa statement ng isang KAMPI watcher na nakatalaga sa Lipa City na kilalang bal warte ng mag-asawang Vilma at Senador Ralph Recto.
Sinabi pa rin ng kampo ni Sanchez na hindi umano nagkaroon ng maayos at tapat na election sa Batangas kaya dapat magdeklara rito ng failure of election dahil sa mga naganap na dayaan, harassment at act of terrorism.
Dumalo si Santos sa kanyang proklamasyon sa kapitolyo ng Batangas na kinaroroonan mismo ng opisina ni Sanchez.
Nagpasalamat si San tos sa mga Batangueno at nanawagan ng pagkakaisa sa lalawigan.
Kaugnay ng kanyang petisyon, inireklamo ni Sanchez ang mga intimidasyon at panggigipit sa mga lokal na lider, abduction kay Barangay League president Ramiro Magnaye ng Lemery. Si Magnaye ang isa sa mga kandidato ni Sanchez bilang board member.
Isinama sa petisyon ang pagsunog sa Pinagbayanan Elementary School sa Taysan na naging dahilan ng kamatayan ng isa sa poll watchers ni Sanchez; ang sobrang boto sa Balete kung saan mas marami pa ang botong naitala sa bilang ng registered voters; at paggamit ng public funds at equipments mula sa munisipalidad ng Lipa at mula sa opisina ni Senator Ralph Recto.
- Latest
- Trending