^

Bansa

Pinoy crew sa 2 barko na inatake sa Strait of Hormuz, ligtas

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinoy crew sa 2 barko na inatake sa Strait of Hormuz, ligtas
A person points at a page on the Marinetraffic website that shows commercial boats traffic on the edge of the Strait of Hormuz near the Iranian coast, in Paris on March 4, 2026.
AFP / Julien dela Rosa

MANILA, Philippines — Siniguro ng Malakanyang na ligtas ang lahat ng Pilipinong tripulante sa dalawang barkong inatake sa Strait of Hormuz sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, na base sa ulat ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang nasaktan sa 21 Pilipinong sakay ng MV Every Lovely at sa 19 Pilipinong tripulante ng Panama oil Tanker na Kiku.

Ayon kay Castro, nananatiling seaworthy ang dalawang sasakyang pandagat at patuloy rin sa kanilang biyahe. Inaasahan ding makakarating sa Singapore ang MV Ever Lovely sa July 5.

Patuloy namang mino-monitor ng mga awtoridad ang kalagayan ng mga tripulante at nakahandang magbigay ng onboard psychosocial assistance kung kinakailangan.

Sa pinakahuling datos ng pamahalaan, nasa 2,100 Filipino seafarers na sakay ng 85 barko ang nakalabas na sa Strait of Hormuz, habang nasa 3,800 iba pa ang nananatiling sakay ng mga barkong nasa Persian Gulf na patuloy ring binabantayan ng mga awtoridad.

CREW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with