^

Bansa

Relasyon ng Pinas at China maayos - Palasyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanatiling maayos ang relasyon ng Pilipinas at China sa kabila ng maanghang na palitan ng mga pahayag sa pagitan ni Defense Secretary Gilbert Teodoro at ilang opisyal ng China.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nananatili ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na resolbahin ang mga isyu sa West ­Philippine Sea (WPS) sa diplomatikong paraan habang pinapangalagaan ang karapatan at interes ng bansa.

Binigyang-diin din ni Castro na hindi naghahanap ng gulo ang Pilipinas at wala itong ginagawang probo­kasyon, agresyon o pananakop sa teritoryo ng ibang bansa.

Aniya, kapwa lamang ginagampanan ng mga opisyal ng Pilipinas at China ang kanilang mandato at pagpapatupad ng kani-kanilang mga batas at polisiya.

Sa kabila nito, sinabi ng Malacañang na wala itong nakikitang sigalot sa ugnayan ng dalawang bansa.

WEST ­PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with