Plunder isasampa vs Marcoleta, Defensor

MANILA, Philippines — Nakatakdang magsampa ng kasong plunder ang Office of the Ombudsman laban kay Sen. Rodante Marcoleta at dating congressman Michael Defensor.
Ito ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla ay may kinalaman sa undeclared campaign contributions ni Marcoleta na may P75 milyong halaga.
“For resolution na. We’re about to file it already,” sabi ni Remulla sa press briefing.
Ang kaso ay nag-ugat sa ginawang pag-amin umano ni Marcoleta sa isang television interview na hindi niya na-disclose ang campaign contributions mula sa kanyang mga kaibigan na sina Defensor at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray noong 2025 midterm elections dahil nais ng mga itong panatilihing anonymous ang pinagmulan ng pondo.
Sa TV interview, sinabi ni Marcoleta na mula nang matanggap ang pondo isang buwan bago ang official campaign period ay naging “personal funds” ito sa ilalim ng Peñera doctrine na nagsasabing ang isang tao ay maikokonsidera lamang na kandidato sa pormal na pagsisimula ng campaign period.
Sinabi naman ni Marcoleta na ang kaso sa Ombudsman ay layon lamang siyang patahimikin.
Una nang nagpalabas ang Sandiganbayan ng precautionary hold departure order laban kina Marcoleta, Defensor, Espiritu at Viray.
- Latest
















