^

Bansa

Ate Vi panalo sa Batangas

-

Opisyal nang idi­neklara kahapon ng provincial board of canvasser ang pagka­panalo ng aktres at Lipa City Mayor Vilma Santos bilang bagong gobernador ng lala­wigan.

Nakakuha si Vilma ng 475,740 na mas malaki kumpara sa 344,969 boto ng ma­higpit niyang katung­galing si Armand San­chez. Pumangatlo sa labanan sa pagka-go­bernador si Nestor Senares sa botong 34,000.

Napaulat din na sa nabilang na certificate of canvass mula sa Tanauan kahapon ng hapon,  nanalo sa ba­yang ito si Sanchez.

Gayunman, sinabi ng Board of Canvasser na lumalamang pa rin si Vilma nang 100,000 boto na sapat na para siya na ang ideklarang panalo.

Nasa Maynila si Vilma nang iproklama siya ng BOC pero sinabi ng kanyang mga tauhan na itatakda sa Lunes ang malaking proclamation rally sa Batangas.

vuukle comment

ARMAND SAN

BATANGAS

BOARD OF CANVASSER

GAYUNMAN

LIPA CITY MAYOR VILMA SANTOS

NASA MAYNILA

NESTOR SENARES

SHY

VILMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with