^

Bansa

12-0 ng TU iimbestigahan ng Comelec

- Ni Grace Dela Cruz -

Iimbestigahan ng Commission on Elections (Comelec) ang naiulat na iregularidad sa Ma­guin­danao kung saan naka-12-0 ang Team Unity sa senatorial race.

“This is the first time I’ve heard of this so we will have to look at it,”pahayag ni Commissioner Rene Sarmiento.

Sa isang ambush interview  sa Philippine International Convention Center (PICC), sinabi ni Sar­miento na kanilang tutu­tukan ang nasabing “straight Magic 12” ng TU.

Una uma­nong ipata­tawag ang mga election officers upang ma­tukoy kung mayroon itong nalalaman o napan­sing mga iregula­ridad mula sa botohan hanggang sa canvassing ng mga boto sa municipal level.

Base sa Maguindanao tally, wala kahit na isang Genuine Opposition candidate na nakapasok sa Magic 12  kung saan ang GO ang siyang may pina­kamababang boto na nakuha sa 27 lalawigan sa Maguindanao, na may kabuuang 336,000 registered voters.

Sa naturang tally, si Ilocos Sur Governor at TU senatorial candidate Cha­vit Singson ang nakakuha ng pinakamataas na bo­tong 87,954 na sinundan ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na may 87, 400 votes.

Sa panig naman ni National Movement for Free Elections (Namfrel)  provincial chair Hadj Abdullah Dalidig, sinabi nito na may naganap na dayaan sa botohan sa Mindanao kung saan patunay dito ang paglobo ng bilang ng mga botante, simula sa 275, 572 registered voters noong 2004 ay umakyat ito ng 396, 772 o 43%.

Samantala, ipinag­tanggol naman ni Commissioner Florentino Tuason ang akusasyon na lumobo ang listahan ng mga registered voters sa Min­danao.

“Unless we see the document all these allegations should be based on hearsays,” pahayag ni Tuason.

Tiniyak pa rin ni Tuason na kanilang susuriin ng mabuti ang certificate of canvass (COC) sa Ma­guin­danao sa oras na du­mating ito sa Maynila para sa National Canvassing.

COMMISSIONER FLORENTINO TUASON

COMMISSIONER RENE SARMIENTO

FREE ELECTIONS

GENUINE OPPOSITION

HADJ ABDULLAH DALIDIG

ILOCOS SUR GOVERNOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with