^

Bansa

Suspek sa Campbell umamin: Sumuko na!

- Edwin Balasa -
Matapos ang ilang araw na pagtatago ay su muko na kahapon sa mga awtoridad ang pangunahing suspek sa pagpatay kay US Peace Corps Volunteer Julia Campbell at inamin nito na siya ang pumatay sa biktima.

"Napatay ko siya, pero yung iniisip ng iba na ginawa ko hindi iyon totoo," pahayag ni Juan Dontugan, matapos na sumuko sa Cordillera Autonomuos Region police. Humingi ng paumanhin si Dontugan sa pagkakapatay kay Campbell pero pinabulaanan naman niya ang report na ninakawan niya o ginahasa ang biktima.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-3:20 ng hapon nang sumuko si Dontugan sa Ifugao Police kasama ang kanyang ina.

Si Dontugan ay itinuro ng tatlong menor-de-edad sa lugar kung saan natag puan ang bangkay ni Campbell na nakabaon sa Banaue, Ifugao. Siya rin ang may-ari ng tindahan kung saan huling nakitang buhay ang biktima na bumili ng softdrinks.

Ayon kay Supt. Joseph Adnol, tagapagsalita ng Cordillera Administrative Region (CAR) kasalukuyang sumasailalim si Dontugan sa tactical interrogation.

AYON

CAMP CRAME

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

CORDILLERA AUTONOMUOS REGION

DONTUGAN

IFUGAO POLICE

JOSEPH ADNOL

JUAN DONTUGAN

PEACE CORPS VOLUNTEER JULIA CAMPBELL

SI DONTUGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with