^

Bansa

Ebidensya vs suspek sa Campbell nasayang

-
Nasayang lang ang lahat ng ebidensyang nakalap laban sa mga suspek sa pagpaslang kay US Peace Corps Volunteer Julia Campbell dahil walang nakuhang fingerprint ang mga forensic experts.

Sinabi kahapon ni Philippine National Police-Crime Laboratory Director C/Supt. Arturo Cacdac na hindi pala mantsa ng dugo ang nakita sa pantalon ng suspek na si Juan Dontugan at sa kahoy na pambayo ng bigas.

Wala ring silbi ang camera na nakuha sa pinangyarihan ng krimen dahil sa ibang bansa pa kuha ang mga litrato na laman nito.

Samantala, sinunog na kahapon ng umaga sa Holy Trinity Funeral Homes sa Paranaque City ang bangkay ni Campbell na pinatay habang namamas yal sa Banaue, Ifugao.

Mahigpit ang pagbabantay sa punerarya habang isinasagawa ang cremation sa labi ni Campbell na natagpuan sa isang mababaw na hukay sa Battad, Banaue.

Sumaksi sa cremation ang mga matataas na opisyal ng US Embassy at PNP. Takdang dalhin ang abo ni Campbell sa embahada bago ito ibalik sa kanyang pamilya sa Amerika. (Edwin Balasa/Rose Tesoro)

vuukle comment

AMERIKA

ARTURO CACDAC

BANAUE

EDWIN BALASA

HOLY TRINITY FUNERAL HOMES

JUAN DONTUGAN

PARANAQUE CITY

PEACE CORPS VOLUNTEER JULIA CAMPBELL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-CRIME LABORATORY DIRECTOR C

ROSE TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with