^

Bansa

‘Kooperatiba sagot sa rebelyon’

-
Ang pagtugon sa ugat ng rebelyon ang higit na dapat tugunan ng pamahalaan, ayon sa Coop-NATCCO Party-List, na binanggit ang kahirapan, kawalan ng hanapbuhay, problema ng corruption na ilan sa mga mabibigat na problemang dapat ay seryosong hanapan ng lunas ng mga namumuno sa ating bansa.

Ayon kay Cong. Guillermo P. Cua ng Coop-NATCCO, habang walang epektibong programa para lutasin ang mga ugat na ito ng rebelyon, hindi mawawala ang isyu ng seguridad.

Naniniwala ang grupo na malaki ang naitutulong ng kooperatiba para mabigyan ng tugon ang ilan sa pangangailangan ng ating mahihirap na kababayan. Sa pagtutulungan ng mga miyembro, ang konting yaman ng bawa’t miyembro ay naiimpok at nasisinop para maging puhunan sa pangkabuhayan. Ang kooperatiba din ay nakapagpapatupad ng programa para sa ikabubuti ng kalusugan at edukasyon ng mga miyembro.

Naniniwala ang partido na ang kooperatiba ay isang epektibong sagot sa isyu ng kahirapan at kawalan ng hanapbuhay, lalo na sa kanayunan, madiing pagtatapos ni Cong. Cua.

AYON

CUA

GUILLERMO P

NANINIWALA

PARA

PARTY-LIST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with