^

Bansa

Overseas absentee voting simula na ngayon

-
Sisimulan na ngayong araw ng Commission on Elections (Comelec) ang overseas absentee voting kung saan inaasahan ang 65 porsiyento sa kabuuang 504,122 Pinoy absentee voters na nasa ibayong dagat na nagparehistro ang boboto ngayong eleksyon.

Ang 30-araw na OAV ay magtatapos sa Mayo 14 kasa bay sa oras ng pagsasara ng mga polling precints sa bansa.

Ayon sa Comelec Committee on Overseas Absentee Voting sa ilalim ng Overseas Absentee Voting Law, ang mga nagpa-rehistro ang papayagan lamang na makilahok sa eleksyon ng Senators at party-list groups.

Subalit pinangangambahan din ng Comelec na hindi makaboto ang mahigit sa 100,000 OFWs na nagrehistro para sa 2007 OAV dahil ilan sa kanila ay nakabakasyon ngayon dito sa Pilipinas, habang ang iba naman ay sa ibang lugar o ibang bansa na nagtatrabaho.

Paliwanag ng Comelec, kung saang bansa nagpa rehistro ang isang OFW ay doon siya dapat bumoto dahil naroon ang kaniyang rehistro at ang presinto. (Gemma Amargo-Garcia)

AYON

COMELEC

COMELEC COMMITTEE

GEMMA AMARGO-GARCIA

OVERSEAS ABSENTEE VOTING

OVERSEAS ABSENTEE VOTING LAW

PALIWANAG

PILIPINAS

PINOY

SISIMULAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with