^

Bansa

Pangulong Marcos ‘di tuloy pagpirma sa 2025 national budget

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos ‘di tuloy pagpirma sa 2025 national budget
President Ferdinand Marcos Jr. in Malacañang on December 2, 2024.
Photos courtesy of PCO

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban muna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa P6.352 trilyong 2025 national budget na nakatakda sana sa Disyembre 20.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, ito ay upang bigyang-daan ang masusi at komprehensibong pagsusuri sa panukalang pambansang pondo na magsisilbing gabay sa direksyon ng bansa sa susunod na taon.

“The scheduled signing of the General Appropriations Act on December 20 will not push through to allow more time for a rigorous and exhaustive review of a measure that will determine the course of the nation for the next year,” ani Bersamin.

Ayon pa kay Bersamin, ang pag-aaral o pag-review sa panukalang 2025 national budget ay pinangungunahan mismo ni Pangulong Marcos sa pakikipag-ugnayan sa mga pinuno ng mga pangunahing kagawaran.

Bagaman at wala pang eksaktong petsa kung kailan ito lalagdaan, ipinaliwanag ni Bersamin na may ilang mga probisyon at bahagi ng panukalang pambansang badyet ang ibe-veto para sa kapakanan ng publiko, upang umayon sa fiscal program, at bilang pagsunod na rin sa mga umiiral na batas.

“While we cannot yet announce the date of the signing, we can now confirm that certain items and provisions of the national budget bill will be vetoed in the interest of public welfare, to conform with the fiscal program, and in compliance with laws,” dagdag ni Bersamin.

Una nang sinabi ni Marcos na hahanapan niya ng paraan na maibalik ang P10 bilyong tinapyas na pondo ng Kongreso sa Department of Education.

Dinipensahan din ni Marcos ang hindi paglalaan ng Kongreso ng budget para sa subsidiya sa PhilHealth.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with