VBank inilunsad ni Manong Chavit sa Quezon City
MANILA, Philippines — Pormal nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang digital platform na siguradong makakapagbago ng landscape ng online financial transactions sa bansa.
Pinangunahan ni Manong Chavit ang paglulunsad ng VBank noong Linggo, Disyembre 15, sa Quezon City sa Bridgetowne Destination Estate sa Eulogio Rodriguez Jr. Avenue.
Kasama rin ni Manong Chavit si veteran comedienne Ai Ai delas Alas.
Ang VBank digital bank ay isang digital banking platform na secure at siguradong makapagpapadali sa mga transaksyon online para sa mga Pilipino tungo sa pagiging financial inclusive ng bansa.
Sa mga gagamit ng VBank, makakapagbukas na sila ng bank account kahit app lang ang gamit at hindi na kailangang pumila pa at magpasa ng maraming dokumento, at maaaring makapagpadala ng pera sa lahat ng banko at digital wallets.
Maaari rin itong gamitin sa pagbabayad ng mga bills at kahit bumili ng mga mobile loads.
May halos lampas 6,000 cash-in outlets nationwide rin ang VBank kasama na ang Tambunting Pawnshops, Puregold at Alfamart kaya mas madali ang transaksyon kahit pa sa mga malalayong lugar.
“Hindi lamang ito banking, ito ay inilunsad ko para mabigyan ang bawat Pilipino ng kakayahan na makasama sa pagpapalago ng ekonomiya sa bansa,” sabi ni Manong Chavit na Number 58 sa Senate ballot.
“Gagawing posible ng VBank ang makapagbigay ng mabilis at madaling financial services kahit nasaan ka man,” dagdag niya.
Inanunsyo rin nang senatorial aspirant ang “Manong Chavit’s 58 Days Milyun-milyong Papremyo” pa-raffle na layong maipakalat pa ang mga magagandang features ng VBank.
- Latest