No. 2 man ng AFP, itinalagang PAF Chief
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lt. Gen. Arthur Cordura, ang 2nd man ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang bagong Commanding General ng Philippine Air Force (PAF) nitong Huwebes.
Si Cordura ang humalili sa nagretirong si PAF Chief Lt. Gen. Stephen Parreño.
Nahirang sa puwesto si Cordura matapos na aprubahan ni PBBM ang rekomendasyon ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. at ng AFP Board of Generals.
Si Cordura ang Vice Chief of Staff ng AFP bago pa man ito hiranging Chief of Staff.
Ang bagong PAF Chief ay produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Bigkis Lagi Class 1990 at nagsilbi rin bilang Vice Commander ng PAF, Chief ng Air Staff, at Commander ng Air Force.
Inihayag naman ni Cordura na nakahanda siyang tugunan ang hamon sa external defense partikular na sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Kaugnay nito, inihayag naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na kabilang sa planong bilhin ng PAF ay ang mga karagdagang fighter jets.
Sinabin ni Teodoro na nangangailangan ang PAF ng kabuuang multirole fighter jets. Sa kasalukuyan ay mayroon lamang 12 South Korean fighter jets ang PAF.
- Latest