^

Bansa

Sa ilegal na posters: Lacson, Villar, Defensor winarningan ng Comelec

-
Winarningan na ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos Sr. ang mga senatoriable candidates na sina Panfilo Lacson, Manny Villar at Mike Defensor ukol sa paglalagay ng mga ito ng mga campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar.

Pinadalhan na ni Abalos ang kampo ng tatlong senatoriables ng "written warning" kung saan posibleng maharap ang mga ito sa diskuwalipikasyon kung patuloy pa rin sa pagpapaskil ng kanilang mga posters at pagkakabit ng mga banner sa mga hindi puwedeng dikitang lugar.

Pinayuhan din ni Abalos ang mga ito na kusa na nilang tanggalin ang mga ikinabit na posters upang hindi na magkaroon pa ng aberya ang kanilang kandidatura at hindi na magsigayahan pa ang ibang mga kandidato.

Nanawagan din ang Comelec sa mga botante na maging maingat sa pagsusulat o "spelling" ng pangalan ng mga kandidato na kanilang iboboto sa balota. Posible kasing masayang lamang ang kanilang boto kapag nagkamali sila ng pagsulat o mapunta sa ibang kandidato ang kanilang boto.

Hanggang Lunes pa ang deadline para sa mga kandidato sa paghahain ng petition for disqualification kung sa tingin nila ay nuisance ang kapangalan o kaapelyido nilang kandidato at posibleng layon lamang na lituhin ang mga botante. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ABALOS

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

COMELEC

DANILO GARCIA

HANGGANG LUNES

MANNY VILLAR

MIKE DEFENSOR

NANAWAGAN

PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with