Mosyon ni Gringo na makalabas ng kulungan haharangin ng DOJ
January 17, 2007 | 12:00am
Haharangin ng Department of Justice (DOJ) ang mosyon ni dating Sen. Gringo Honasan sa Makati Regional Trial Court na makalabas mula sa Sta. Rosa, Laguna detention cell para personal na makapagsumite ng kanyang certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni State Prosecutor Juan Pedro Navera, maituturing na flight risk si Honasan at may history na umano ito ng pagtakas.
Nangangamba ang DOJ na maaaring gamitin na pagkakataon ni Honasan ang pagpa-file niya ng kandidatura upang siya ay makatakas.
Maaari naman umanong maghain ng COC ang abogado ni Honasan na si Atty. Daniel Gutierrez.
Ayon kay Navera, pakikiusapan na lamang nila ang Comelec na magpadala ng kinatawan kay Honasan para siyang mangasiwa ng kanyang pagpa-file ng kandidatura.
Hindi napabilang si Honasan sa short list ng senatoriables ng United Opposition (UNO) subalit nais nitong muling kumandidato bilang independent candidate. (Ludy Bermudo/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended