^

Bansa

‘Nuisance candidates’ hinihintay na ng Comelec

-
Inaasahan ng Commision on Elections (Comelec) na dadagsa sa unang araw pa lamang ng filing of certificate of candidacy sa Lunes, Enero 15 ang mga "nuisance candidates" para sa darating na May elections.

Ayon kay James Jimenez, spokesman ng Comelec, siguradong mga "nuisance candidates" ang bubulaga sa kanila at kalimitan sila rin ang nauunang mag-widraw ng kandidatura at nadidismis dahil hindi sila qualified.

Wala naman umanong magawa ang Comelec dito dahil karapatan nila ito at hindi nila ito maaaring labagin.

Kaugnay nito, ipatutupad na rin ng Comelec ang gun ban sa buong bansa ngayong Linggo, Enero 14.

Dahil dito, dumagsa na ang nag-aplay ng exemption sa Comelec partikular ang mga pulis.

Bukod dito, mahigpit na ring ipinagbabawal ang pagsusupinde sa mga opisyal ng gobyerno at ang pagsasagawa ng mga public works tulad ng kalsada at anumang uri ng infrastructure.

Bawal na rin ang maglipat at tumanggap ng mga bagong empleyado ang gobyerno upang mabigyan ng pantay-pantay na karapatan ang bawat isang kandidato. (Gemma Amargo-Garcia)

AYON

BAWAL

BUKOD

COMELEC

COMMISION

DAHIL

ENERO

GEMMA AMARGO-GARCIA

INAASAHAN

JAMES JIMENEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with