^

Bansa

P1.126T budget ‘di naipasa

-
Hindi nagkasundo ang mga kinatawan ng Kamara at Senado na mapagtibay ang P1.126 trilyong panukalang budget para sa 2007 dahil sa iregularidad sa paggamit ng P4 bilyong school feeding program ng pamahalaan.

Kinumpirma kahapon nina Sen. Franklin Drilon at Albay Rep. Joey Salceda, na nauwi sa deadlock ang usapan ng bicameral conference committee sa panukalang budget dahil sa mga pinagtatalunang insertion ng mga kongresista.

Isa umano sa pinagtalunan ng Senate at House panel ay ang school feeding program dahil gusto ng mga kongresista na bigas ang ipamigay sa mga mag-aaral samantalang gatas naman ang gusto ng mga senador.

Binunyag naman ni Sen. Panfilo Lacson na kaya ipinipilit ng mga kongresista na bigas ang bilhin ay dahil may kikitain sila dito.

"Kaya nagkaloko-loko ang budget, nauunang isipin ang pasanriling kita," sabi ni Sen. Lacson.

Kapag tuluyang hindi naipasa ang panukalang budget bago magbakasyon ang sesyon ng Kongreso sa Disyembre 22, ito na ang ikalimang sunod na taon na gumamit ng reenacted budget ang gobyerno. (Rudy Andal/Malou Escudero)

vuukle comment

ALBAY REP

BINUNYAG

DISYEMBRE

DRILON

ISA

JOEY SALCEDA

MALOU ESCUDERO

PANFILO LACSON

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with