^

Bansa

Trillanes nagparehistro na sa Comelec

-
Pormal nang nakapagparehistro sa Commission on Elections (Comelec) bilang botante si Navy Lt. Senior Grade Antonio Trillanes IV kaugnay ng plano nitong tumakbong senador sa 2007 elections.

Kasama ni Trillanes na nagtungo sa Comelec office ng Camarin, Caloocan nitong Linggo ang kanyang abogado na si Atty. Reynaldo Robles.

Nakakuha ng pahintulot sa korte si Trillanes para makalabas ng bilangguan at makapagparehistro noong Biyernes, ngunit nabigo itong makapagpatala dahil sa patakaran ng Comelec na walang rehistro kapag Biyernes at Sabado.

Kinailangan ni Trillanes na muling magparehistro dahil sa kabiguan nitong makapagpartisipa sa mga nagdaang halalan dahil nakakulong ito.

Kasama si Trillanes sa sumakop sa Oakwood Hotel sa Makati ng mga sundalong Magdalo upang ipakita ang pagkadismaya sa laganap na korupsiyon sa pamahalaan at militar.

Nanawagan si Trillanes sa mamamayan na tutulan ang anomang tangka na pigilin ang halalan bunga ng isinusulong na Charter change.

Iginiit ni Trillanes na hindi sistema ng gobyerno ang problema ng Pilipinas kung hindi ang mga pinuno na nagpapatupad ng sistema. (Joy Cantos) 

BIYERNES

CALOOCAN

COMELEC

JOY CANTOS

KASAMA

NAVY LT

OAKWOOD HOTEL

REYNALDO ROBLES

SENIOR GRADE ANTONIO TRILLANES

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with